Antas ng Kakayahan ng mga Mag-aaral sa Pagbasa

Read full text
Authors: Milagros S. Dimas, Maria Lourdes G. Eguia
Cited by: 0

Abstract

Layunin ng pag-aaral na ito ay suriin ang antas ng kakayahan ng mga mag-aaral sa pagbasa sa pag-unawa gamit ang SMART Project Deped gamit ang interbensyon na cosplay sa Kayapa National High School na binubuo ng dalawampu’t lima (25) na mga mag-aaral sa Baitang 10 bilang tagatugon. Ang disenyo ng pananaliksik ay deskriptibo-kwantitatibo sa pamamaraang eksperimental na kwasi sa pamamagitan ng pang-una at pangwakas na pagsusulit. Isinagawa ang pagpapatibay sa talatanungan sa pamamagitan ng pagbasa at pagsagot sa talatanungan. Ang mga sumunod ay ang kinalabasan ng pag-aaral: Kasiya-siya ang pag-unawa sa pagbasa ng mga mag-aaral bago ginamit ang interbensyon na cosplay; Lubos na kasiya-siya ang pag-unawa sa pagbasa pagkatapos ginamit ang interbensyon na cosplay; Mayroong makabuluhang pagkakaiba ang antas ng kakayahan ng mga mag-aaral sa pagbasa bago at pagkatapos gamitin ang interbensyon na cosplay. Batay sa kinalabasan ng pag-aaral ay ang mga sumusunod ang konklusyon : Kasiya-siya ang pag-unawa sa pagbasa ng mga mag-aaral dahil sa kakulangan ng kasanayan sa mga gawaing pagbasa upang higit na maunawaan ang akdang binabasa; Ang pagtaas ng mean score pagkatapos ng pangwakas na pagsusulit ay dahil pagkatapos ipabasa ang akda ay isinabuhay ito ng mga mag-aaral sa pamamagitan ng cosplay na naikintal o pagpapanatili sa kaisipan ng mga mag-aaral sa mga pangyayari sa akdang binasa; Makabuluhan ang paggamit ng interbensyon na cosplay dahil nakatulong ito sa pag-unawa sa pagbasa ng mga mag-aaral.

Fields of Study & Subjects

Reading and Literacy Development Literacy and Educational Practices Educational Methods and Media Use

Publication details

Journal / source
Cognizance Journal of Multidisciplinary Studies
Volume
6
Issue
1
Pages
196–210
Publication date
30 January 2026