MGA DIMENSYON SA PAGBASA SA TEKSTONG FILIPINO NG MGA MAG-AARAL SA IKAPITONG BAITANG

Read full text
Authors: Fe D. Guijoba, Stella Mae B. Miramon, Jenny Ann T. Oreta, Kimberly Andrea P. Pequiño, Ronalyn M. Tingal, Emylin T. Batulat, Sol P. Abellar, Joel M. Evangelista
Cited by: 0

Abstract

Ang pag-aaral na ito ay naglalayong matukoy ang dimensyon sa pagbasa sa tekstong Filipino ng mga mag-aaral sa ikapitong baitang. Ito ay ang pagtukoy ng antas ng pag-unawa ng mga mag-aaral sa binasang tekstong Filipino, ang mga mananaliksik ay bumuo ng labinlimang (15) aytem na pre-test at post-test na susukat sa mga dimensyon sa pagbasa na; literal na pag-unawa, interpretatibo, analitikal, aplikatibo, at malikhaing pag-unawa ng mga mag-aaral sa binasang panitikan na pinamagatang Anim na Sabado ng Beyblade. Sa pamamagitan nito, matutukoy kung anong dimensyon ang may kahinaan at kalakasan ang mga mag-aaral. Ang mga mananaliksik ay gumamit ng interbensyong Reading Circle na kung saan ang mga mag-aaral ay bumuo ng bilog na naging kanilang pangkat sa pagbabasa na ginamitan ng estratehiyang Direct Reading- Thinking Activity (DRTA) bilang disenyo ng pananaliksik. Ito ay isang estratehiya sa pagbabasa ng teksto na gabay ang guro upang paunlarin ang kakayahan ng mga mag-aaral na maghula, mag-isip nang kritikal, at maunawaan ang binabasa. Ang mga mag-aaral na nakakuha ng markang mula 0-3 (napakababa), 3-6 (mababa), 6-9 (katamtaman), 9-12 (mataas) at sa markang 12-15 (napakamataas) na siyang batayan upang matukoy ang kabuuang kaalaman ng mga mag-aaral sa pre-test at post-test pagkatapos ng interbensyon. Sa pagkalkyula ng nakalap na datos ay ginamitan ng Mean Standard Deviation at Sample Paired Test upang malaman ng mga mananaliksik ang kabuuang datos ng mga mag-aaral Ang mga mag-aaral na nakakuha ng iskor na mula 0.00-0.0.60 (pinakamababa), 0.61-1.20 (mababa), 1.21-1.80(katamtaman), 1.81-2.40 (mataas) at 2.41-3.00 ay napakataas na siyang basehan upang matukoy kung saang dimensyon sa pagbasa may kahinaan at kalakasan ang mga mag-aaral para matukoy kung naging epektibo ba ang interbensyon.

Fields of Study & Subjects

E-Learning and COVID-19 Swearing Euphemism Multilingualism Educational Theory and Curriculum Studies

Publication details

Journal / source
Zenodo (CERN European Organization for Nuclear Research)
Publication date
9 January 2026