PAPEL NG GURO SA INTERES AT MOTIBASYON NG ESTUDYANTE SA ASIGNATURANG FILIPINO
Abstract
Layunin ng pag-aaral na ito na matukoy ang papel ng guro sa pagpapaunlad ng interes at motibasyon ng mga estudyante sa pag-aaral ng asignaturang Filipino at suriin ang ugnayan nito sa kanilang akademikong pagganap. Ang mananaliksik ay gumamit ng descriptive-correlational na disenyo upang mailarawan at masuri ang relasyon ng mga baryabol. Ang mga respondente sa pananaliksik na ito ay binubuo ng 210 estudyante sa ika-10 na baitang mula sa mga pampublikong paaralan sa North District ng Tanjay City Division, sila ay pinili sa pamamagitan ng simple random sampling technique. Ginamit ang validated survey-questionnaire ng mananaliksik at pinasuri ng mga eksperto at estatistisyan upang matiyak ang pagiging balido nito at dumaan din ito sa dry-run para sa reliability ng mga aytem na isinama. Sa pagsusuri ng mga datos, ginamit ang Mean at Spearman’s Rank-Order Correlation upang masukat ang antas at ugnayan ng mga baryabol. Ipinakita ng resulta na ang mga guro ay may mataas na mataas na antas ng propesyonal at personal na katangian na nagdudulot ng positibo at mataas na interes at motibasyon ng mga estudyante sa asignaturang Filipino. Karamihan din sa mga estudyante ay nasa outstanding na akademikong pagganap. Dagdag pa, may signifikant na ugnayan sa pagitan ng antas ng interes at motibasyon ng mga estudyante at ang personal at propesyonal na katangian ng mga guro. Subalit, walang signifikant na ugnayan sa pagitan ng personal at propesyonal na katangian ng guro, antas ng interes at motibasyon ng mga estudyante at ang kanilang akademikong pagganap ng mga estudyante.
Fields of Study & Subjects
Education
Achievement
and Giftedness
Educational Environments and Student Outcomes
Communication in Education and Healthcare
Publication details
- Journal / source
- Zenodo (CERN European Organization for Nuclear Research)
- Publication date
- 13 January 2026