Pagtataguyod ng Influencer Marketing sa Responsableng Pagkonsumo at Produksyon
Abstract
Abstrak. Layunin ng pananaliksik na ito na suriin ang impluwensya ng social influencer marketing sa pagtataguyod ng responsableng pagkonsumo at produksyon (SDG 12) sa mga mag-aaral ng Marketing Management sa EARIST–Manila. Ginamit ang kwalitatibong disenyo na may case study approach upang malalim na maunawaan ang mga karanasan at opinyon ng mga respondente. Sa pamamagitan ng purposive sampling, nakapanayam ang mga piling mag-aaral gamit ang semi-structured interview guide, at ang mga datos ay isinailalim sa tematikong pagsusuri. Natuklasan sa pag-aaral na ang mga social influencer ay may mahalagang papel sa paghubog ng gawi ng mga mamimili sa pamamagitan ng pagbuo ng relasyon ng konsyumer at influencer at pagbibigay ng edukasyonal na nilalaman. Ang kredibilidad at expertise ng influencer ay napatunayang mas epektibo sa panghihikayat kaysa sa tradisyunal na adbertismo. Gayunpaman, lumitaw na hindi sapat ang impluwensya sapagkat ang mataas na presyo at limitadong accessibility ng mga sustainable na produkto ay nananatiling pangunahing hadlang sa aktwal na pagbabago ng gawi. Binigyang-diin sa konklusyon na ang etikal na pananagutan at katapatan ng mga influencer ay susi upang mapanatili ang tiwala ng publiko at matagumpay na maitaguyod ang mga layunin ng responsableng pagkonsumo at produksyon. Mga Susing Salita: Influencer Marketing, SDG 12, Responsableng Pagkonsumo at Produksyon, Kwalitatibong Pananaliksik
Fields of Study & Subjects
Digital Marketing and Social Media
Environmental Sustainability in Business
Corporate Social Responsibility and Sustainability
Publication details
- Journal / source
- Zenodo (CERN European Organization for Nuclear Research)
- Publication date
- 19 January 2026