Validation of the Grade 7 Filipino Third Quarter Summative Test

Read full text
Authors: Arnel Unciano Jr., Marvie Ganaton, Jenylyn Chiong, Regina Cuizon
Cited by: 0

Abstract

Layunin ng pag-aaral na ito na balidahin ang isang 40-item na Ikatlong Markahang Lagumang Pagsusulit sa Filipino para sa Baitang 7 sa pamamagitan ng pagsusuri sa bisa ng nilalaman, antas ng kahirapan, kakayahang makapag-iba ng pagganap (discrimination index), at pagiging maaasahan ng pagsusulit. Gumamit ang pag-aaral ng mixed-method na disenyo na pinagsasama ang kwantitatibong pagsusuri ng mga aytem at kwalitatibong balidasyon ng nilalaman. Dalawang eksperto sa asignaturang Filipino ang nagsagawa ng balidasyon ng bawat aytem batay sa kaugnayan, kalinawan, at representasyon ng mga layunin sa pagkatuto. Isinailalim naman sa pilot testing ang pagsusulit sa 30 mag-aaral ng Baitang 7 mula sa isang pribadong paaralan sa Zamboanga Sibugay upang makuha ang datos para sa pagsusuri ng kahirapan at diskriminasyon ng mga aytem, gayundin ang reliability gamit ang KR-20. Ipinakita ng resulta na 75% ng mga aytem ay lubhang balido, 15% ay balido, at 10% ay nangangailangan ng rebisyon. Lumabas din na 62.5% ng mga aytem ay kabilang sa madali hanggang napakadaling antas, samantalang 5% lamang ang mahirap. Sa usapin ng discrimination index, 20% ng mga aytem ay napakahusay, 15% ay katanggap-tanggap, 12.5% ay marginal, at 52.5% ay mahina, kabilang ang ilang aytem na may negatibong diskriminasyon. Batay sa tematikong pagsusuri ng mga puna ng eksperto, natukoy ang mga suliranin sa baybay, pormat, kalinawan ng tanong, at mababang antas ng pag-iisip na sinusukat. Bunga nito, nakabuo ng binagong bersiyon ng lagumang pagsusulit. Ipinahihiwatig ng pag-aaral na may potensiyal ang pagsusulit bilang kagamitang pantaya, subalit nangangailangan ito ng malawakang pagpapahusay upang matiyak ang pagiging makatarungan, balido, at angkop sa MELCs.

Fields of Study & Subjects

Educational Assessment and Pedagogy Psychometric Methodologies and Testing Health Education and Validation

Publication details

Journal / source
Aloysian Interdisciplinary Journal of Social Sciences, Education, and Allied Fields
Publication date
28 January 2026
Language
EN