PAGSUSURI SA LINGGUWISTIKONG KATANGIAN SA PANANALITA NG MGA MAG-AARAL SA SEKONDARYA
Abstract
Ang akademikong pananaliksik na ito na pinamagatang “Pagsusuri sa Lingguwistikong Katangian sa Pananalita ng mga Mag-aaral sa Sekondarya” ay isinagawa upang mabatid ang laganap na uri ng code-switching (intra-sentential, inter-sentential, intra-word, tag-switching, metaphorical at situational) at kombinasyon ng wika; Hiligaynon-Tagalog (Hiligalog), Hiligaynon-English (Hiliglish) at Tagalog-English (Taglish) na ginagamit ng mga mag-aaral sa Ikawalong Baitang ng Caduhaan National High School. Kaugnay nito isinagawa ang tuwirang obserbasyon at paggamit ng tally sheet upang masiguro ang pangangalap ng datos o frequency ng mga kalakip na konsepto. Upang mapalalim ang kabuuang konsepto ng mga mag-aaral sa code-switching ay nagkaroon ng interbyu ng pitong (7) mag-aaral mula sa isinaad na baitang. Ang mga datos na nakalap ay sumailalim sa pagsusuri at isinaayos ayon sa tema. Napag-alaman na ang pinakalaganap na uri ng code-switching ay ang intra-sentential code-switching; paggamit ng dalawang wika sa loob ng iisang pangungusap. Kaugnay nito, ang pinakamadalas na kombinasyon ng wika na ginagamit ng mga mag-aaral kapag nagkakarooon ng diskurso sa silid-aralan ay Hiligaynon at Tagalog.
Fields of Study & Subjects
Linguistic and Sociocultural Studies
Multilingual Education and Policy
Linguistics
Language Diversity
and Identity
Publication details
- Journal / source
- Zenodo (CERN European Organization for Nuclear Research)
- Publication date
- 3 February 2026
- Language
- FIL