ANTAS NG KAALAMAN SA PAGBABAYBAY NG WIKANG FILIPINO NG MGA MAG-AARAL SA IKASIYAM NA BAITANG
Abstract
ABSTRAK Ang pag-aaral na ito ay naglayong matukoy ang antas ng kasanayan sapagbabaybay ng mga mag-aaral sa wikang Filipino mula sa ikasiyam na baitang.Ang mga tagatugon ay binuo ng apatnapung (40) mag-aaral mula sa BanquerohanNational High School. Upang masukat ang kanilang kasanayan, bumuo ang mgamananaliksik ng tatlumpung(30) aytem na pagsusulit. Bukod dito, isinagawa rinang interbensyong tinawag na “Baybay Husay” isang makabagong estratehiyangpedagohikal na matagumpay na pinagsama ang larong pangklase at mga layuningakademiko. Ginamit sa pag-aaral ang kwantitatibong paraan ng pananaliksik,partikular ang Pre-test at Post-test, para sa pangangalap ng datos. Sa pagsusuring datos, gumamit ng mean, standard deviation, at paired t-test. Natuklasan naang antas ng kasanayan sa pagbabaybay ng mga mag-aaral bago anginterbensyon ay nasa mataas na lebel. Matapos isagawa ang Baybay-Husay,lumabas na may pinakamataas na pag-unlad sa kanilang kasanayan.Iminumungkahi namagpatupad ng mga programang pangwika upang higit namapaunlad ang kasanayan sa pagbabaybay ng mga mag-aaral, at magsagawa ngregular na pagpapabaybay at pagpapabasa upang maipagkaloob sa kanila angkinakailangang kasanayan para sa mas maayos na pag-unlad. Mga Susing Salita: Pagbabaybay, kasanayan sa wika, Baybay-Husay,estratehiyangpedagohikal, Pre-test at Post-test, kwantitatibong pananaliksik, pagunladngmag-aaral.iii
Fields of Study & Subjects
Reading and Literacy Development
Language Acquisition and Education
Writing and Handwriting Education
Publication details
- Journal / source
- Zenodo (CERN European Organization for Nuclear Research)
- Publication date
- 7 February 2026