MGA SALIK NA NAKAAAPEKTO SA ESTILO SA PAGKATUTO SA DIGITAL AGE: ISANG PAGSUSURI SA DOMINANTENG PARAAN NG PAGKATUTO NG MGA MAG-AARAL

Read full text
Authors: Rosalinda M. De Guzman, Ma. Theresa E. Macaltao
Cited by: 0

Abstract

Layunin ng pag-aaral na ito na tukuyin ang mga dominanteng estilo ng pagkatuto ng mga mag-aaral sa digital age, kabilang ang batay sa teknolohiya, biswal, pandinig, pagbasa at pagsulat, at kinestetik, gayundin ang mga benepisyo, hamon, at mga salik na nakaaapekto sa pagkatuto tulad ng personal, estratehiya ng guro, sosyo-kultural, digital literacy, at sikolohikal/emosyonal na aspeto. Gumamit ang pag-aaral ng deskriptibong-korelasyonal na disenyo. Ang mga kalahok ay piling mag-aaral sa antas tersyarya mula sa University of Rizal System (Angono, Pililla, at Tanay Campus) na pinili sa pamamagitan ng stratified sampling, at ang bilang ng mga tagatugon ay tinukoy gamit ang pormula ni Yamane. Ginamit ang weighted mean upang matukoy ang dalas ng paggamit ng mga estilo ng pagkatuto, pati na ang mga benepisyo at hamon, habang ang Spearman rank correlation ay ginamit upang alamin ang ugnayan sa pagitan ng mga estilo at mga salik na nakaaapekto sa pagkatuto. Ipinakita sa resulta na ang biswal na estilo ang pinakamadalas gamitin sa pagtuturo, sinundan ng batay sa teknolohiya at kinestetik, habang nananatiling mababa ngunit mahalaga ang pandinig at pagbasa at pagsulat. Natukoy bilang pangunahing benepisyo ang pagtuturo na naaayon sa interes ng mag-aaral, samantalang nangungunang hamon ang kakulangan sa koneksyon sa internet, digital fatigue, at limitadong digital literacy. Higit pa rito, napatunayang walang makabuluhang ugnayan sa pagitan ng mga estilo ng pagkatuto at mga salik na sinuri. Ipinahihiwatig ng pag-aaral na ang pagkatuto sa digital age ay isang multimodal na proseso na higit na epektibo sa visual-digital at kinestetik na pamamaraan.

Fields of Study & Subjects

Learning Styles and Cognitive Differences Neuroscience Education and Cognitive Function Educational methodologies and cognitive development

Publication details

Journal / source
Zenodo (CERN European Organization for Nuclear Research)
Publication date
8 February 2026