ANTAS NG EPEKTO NG KAPALIGIRANG PAMPAGKATUTO SA SILID- ARALAN SA ANTAS NG PAGKATUTO NG MGA MAG-AARAL SA ASIGNATURANG FILIPINO

Read full text
Authors: Layen May M. Cloribel, John Rey B. Dewetes, Jay are B. Eugenio, Lendy Mae C. Sacote, Jeddah Quiño-Justol
Cited by: 0

Abstract

Ang pag-aaral na ito ay naglalayong suriin ang ugnayan ng kapaligirang pampagkatuto sa silid-aralan at antas ng pagkatuto ng mga mag-aaral sa asignaturang Filipino sa Tagoloan Community College. Gumamit ang pananaliksik ng descriptive-correlational na disenyo upang mailarawan ang antas ng kapaligirang pampagkatuto batay sa tatlong aspeto: epektibong pagganap ng guro, emosyonal na kapaligiran ng silid-aralan, at pisikal na kapaligiran, gayundin ang antas ng pagkatuto ng mga mag-aaral sa Filipino. Ang mga tagatugon ng pag-aaral ay binubuo ng 105 mag-aaral mula sa unang taon ng Bachelor of Secondary Education major in Filipino, na pinili gamit ang total sampling. Ginamit ang isang researcher-made questionnaire na sumailalim sa content validation at reliability testing (Cronbach’s alpha = 0.995). Ang mga datos ay sinuri gamit ang mean, standard deviation, at Spearman’s rho. Ipinakita ng mga resulta na ang antas ng kapaligirang pampagkatuto sa silid-aralan ay mataas at epektibo, kung saan ang epektibong pagganap ng guro ang may pinakamataas na mean. Natuklasan din na ang antas ng pagkatuto ng mga mag-aaral sa asignaturang Filipino ay mataas, lalo na sa aspeto ng paglalapat ng natutuhan sa totoong buhay. Higit sa lahat, ipinakita ng pagsusuri na may makabuluhang positibong ugnayan ang tatlong salik ng kapaligirang pampagkatuto sa antas ng pagkatuto ng mga mag-aaral, kung saan ang epektibong pagganap ng guro ang may pinakamalakas na ugnayan. Batay sa mga natuklasan, binibigyang-diin ng pag-aaral ang kahalagahan ng holistikong kapaligirang pampagkatuto bilang mahalagang salik sa pagpapataas ng kalidad ng pagkatuto sa asignaturang Filipino. Inirerekomenda ang patuloy na pagpapahusay sa estratehiya ng pagtuturo, emosyonal na suporta, at pisikal na kaayusan ng silid-aralan upang higit pang mapabuti ang karanasan at pagkatuto ng mga mag-aaral.

Fields of Study & Subjects

Educational Environments and Student Outcomes Education Psychology and Social Research Educational Outcomes and Influences

Publication details

Journal / source
Zenodo (CERN European Organization for Nuclear Research)
Publication date
8 February 2026