KAALAMAN SA WASTONG GAMIT NG PALATULDIKAN SA PAGBUO NG PANGUNGUSAP

Read full text
Authors: Dimple M. De Castro, Alexandra Nazareno, Princess Quira M. Rapal, Renz E. Excija
Cited by: 0

Abstract

Tumatalakay ang pananaliksik na ito sa antas ng kaalaman ng mga mag-aaral sa wastong gamit ng palatuldikan o diin sa pagbubuo ng pangungusap. Layunin nitong matukoy kung gaano kataas ang kaalaman ng mga mag-aaral sa paggamit ng apat na uri ng diin—malumay, mabilis, malumi, at maragsa—at kung paano ito nakaaapekto sa kahulugan ng mga salita at estruktura ng pangungusap. Mahalaga ang palatuldikan sa wika sapagkat malaki ang naitutulong nito sa tamang pag-unawa at pagpaparating ng malinaw na mensahe. Sa kabila ng kahalagahang ito, marami pa ring mag-aaral ang nahihirapan sa wastong paggamit nito, kaya’t isinagawa ang pag-aaral upang matukoy ang mga suliranin at kakulangan sa aspetong ito ng wika. Gumamit ang mga mananaliksik ng deskriptibong metodo, kung saan isinagawa ang pagsusulit upang masukat ang kaalaman ng mga kalahok. Batay sa resulta ng pagsusuri, lumitaw na may malaking kakulangan pa rin ang mga mag-aaral sa pagkilala at wastong paggamit ng palatuldikan, na nagiging sanhi ng hindi pagkakaunawaan sa pagbibigay-kahulugan sa mga salita at pangungusap. Bilang tugon, inirerekomenda ng pananaliksik ang pagsasama ng mas malinaw, masinsinan, at interaktibong pagtuturo ng palatuldikan sa mga asignaturang wika. Upang mapalalim pa ang pag-unawa ng mga mag-aaral, iminungkahi ng mga mananaliksik ang paggamit ng alternatibong kagamitang panturo tulad ng bidyo leksyon. Sa kabuuan, nagbibigay-diin ang pananaliksik na ito sa kahalagahan ng tumpak na paggamit ng palatuldikan bilang mahalagang kasangkapan sa epektibong komunikasyon sa wikang Filipino, at sa pangangailangang ito’y malinang sa bawat antas ng pagkatuto.

Fields of Study & Subjects

Phonetics and Phonology Research Language Acquisition and Education Reading and Literacy Development

Publication details

Journal / source
Zenodo (CERN European Organization for Nuclear Research)
Publication date
14 February 2026
Language
TL