MGA HAMON AT ESTRATEHIYA NG MGA NON-MEDYOR NA NAGTUTURO NG VALUES EDUCATION SA MGA PAMPUBLIKONG PAARALANG SEKONDARYA
Abstract
Isa sa mga nakikitang hamon sa pagtuturo ay ang pagtuturo ng hindi linya sa iyong espesyalisasyon. Ang pag-aaral na ito ay isinagawa upang matukoy at masuri ang mga hamong nararanasan gayundin ang estratehiyang ginagamit ng mga non-medyor na nagtuturo ng asignaturang hindi linya sa kanilang espesyalisasyon.Ang pananaliksik na ito ay may layuning alamin ang mga estratehiya at mga nararanasang hamon ng mga non-medyor na guro na nagtuturo ng Values Education kaugnay ng kanilang buwan/taon sa pagtututro ng naturang asignatura, at medyor. Layunin din ng pag-aaral na matukoy ang nananaig na estratehiya kung ito ba ay tradisyunal o moderno. Natuklasan din sa pananaliksik ang pinakahamon sa pagtuturo ng mga non-medyor na nagtuturo ng naturang asignatura. Sinuri rin kung may makabuluhang kaugnayan ang mga estratehiyang kanilang ginagamit ayon sa kanilang profayl gayundin sa estratehiyang kanilang ginagamit. Ang mga datos ng pananaliksik ay sinuri gamit ang frequency count, mean, ranking, Mann Whitney at Kruskal Wallis.Dahil dito ay nagkaroon ng teorya ng pagbabago batay sa resulta ng pananaliksik. Bilang tugon, isang palihan ang ilulunsad upang magkaroon ng mas malinaw na gabay sa pagtuturo ang mga gurong nagtuturo kahit pa ito’y hindi nila linya ng espesyalisasyon.Gayundin ang pagbuo ng teorya na makatutulong sa iba pang mananaliksik upang mas mapabuti ang isasagawa nilang pananaliksik.
Fields of Study & Subjects
Values and Moral Education
Teacher Education and Leadership Studies
Education
Psychology
and Social Research
Publication details
- Journal / source
- Zenodo (CERN European Organization for Nuclear Research)
- Publication date
- 15 March 2026
- Language
- TL