UGNAYAN NG SELF-ESTEEM SA PAGGANAP NG MGA MAG-AARAL SA ASIGNATURANG FILIPINO
Summary
No summary yet. VIRAT can read this paper and write a plain-language summary of its aim, methods, key findings and limitations.
Summarise with VIRAT Free to try with your Science Catalogs account.Abstract
Layunin ng pag-aaral na ito na matukoy ang antas ng self-esteem ng mga mag-aaral sa pagkatuto ng Filipino at ang ugnayan nito sa kanilang akademikong pagganap. Ginamit ang Deskriptib-korelasyonal na disenyo at isinagawa sa 283 na mag-aaral na nasa ika-9 na baitang mula sa mga pampublikong paaralan ng distrito ng Manjuyod at Bindoy. Ang mga datos ay nakalap sa pamamagitan ng sarbey-kwestyoneyr na dumaan sa pagpapatunay ng mga eksperto (expert validation) at dry run upang matiyak ang kalinawan, kaangkupan, at pagiging maaasahan ng mga aytem. Sinukat ng instrumento ang self-esteem batay sa apat na dimensyon: akademikong kumpiyansa, kakayahang pangwika, halaga ng pakikilahok, at pagtanggap ng puna o ebalwasyon. Ang akademikong pagganap ng mga mag-aaral ay tinukoy gamit ang kanilang unang markahang grado sa asignaturang Filipino. Ginamit ang percent, mean, standard deviation, at Spearman’s rank-order correlation upang matukoy ang ugnayan sa pagitan ng self-esteem at akademikong pagganap. Ipinakita ng resulta na ang mga mag-aaral ay may mataas na antas ng self-esteem sa lahat ng aspekto at karamihan ay nakapagtala ng Mataas (Very Satisfactory) hanggang Napakataas (Outstanding) na marka sa Filipino. Gayunpaman, lumitaw na ang akademikong kumpiyansa at kakayahang pangwika ay walang signifikant na ugnayan sa akademikong pagganap. Sa kabilang banda, ang halaga ng pakikilahok at pagtanggap ng puna o ebalwasyon ay nagpakita ng signifikant at positibong ugnayan sa akademikong pagganap. Bukod dito, ang kabuoang antas ng self-esteem ay may signifikant na relasyon sa kanilang marka sa Filipino.
Fields of Study & Subjects
Education
Achievement
and Giftedness
Educational Outcomes and Influences
Grit
Self-Efficacy
and Motivation
Publication details
- Journal / source
- Zenodo (CERN European Organization for Nuclear Research)
- Publication date
- 28 March 2026
- Language
- TL