Lakbay silip ganda sa Catbalogan: Isang pag-aaral
Abstract
Layunin ng pag-aaral na matukoy at maidokumento ang mga atraksyong panturismo sa Lungsod ng Catbalogan, Samar, gayundin ang makuha ang fidbak at suhestiyon para sa balidasyon ng nabuong materyal.Ginamit ang deskriptib-kuwantitatibong disenyo upang mailarawan ang karanasan ng mga kalahok.Ginamit ang purposive at convenience sampling sa pagpili ng mga lokal na residente, opisyal ng LGU at barangay, kawani ng turismo, SK, negosyante, turista, at may-ari ng tourist spot.Ginamit ang gabay talatanungan at interbyu na may sarado at bukás na tanong upang maisadokumento ang mga atraksyon, lokasyon, ambag sa ekonomiya, at mga suhestiyon.Sinuri ang datos gamit ang mean, deskriptibong interpretasyon, at tematikong pagsusuri.Batay sa resulta ng pag-aaral na ang Catbalogan ay may sapat at kaakit-akit na mga atraksiyong panturismo na may malaking potensyal sa pagpapaunlad ng lokal na turismo at ekonomiya.Ang mga pasyalan sa karagatan at kabundukan ay may maayos na pasilidad at serbisyong angkop sa iba't ibang bisita.Lubos rin ang pagsangayon ng mga respondente sa lahat ng pahayag na may kaugnayan sa pang-promosyong bidyo, na may kabuoang mean na 4.71.Ipinahihiwatig nito na ang bidyo ay epektibo sa pagpapataas ng interes ng mga manonood at sa paghubog ng positibong imahe ng mga destinasyong panturismo sa Catbalogan.Ang nabuong vlog ay nagsisilbing dokumentasyon ng likas at kultural na yaman ng lungsod, na higit pang pinahusay batay sa mga suhestiyon at fidbak sa pamamagitan ng policy brief.Inirerekomenda ang mas pinaigting na promosyon sa digital media, pagpapanatili ng kalidad, kalinisan, at seguridad ng mga pasyalan, at pagsasanay ng mga manggagawa sa turismo.Ang policy brief ay maaaring magsilbing gabay sa pagpapalakas ng sektor ng turismo, pagtugon sa kakulangan sa pasilidad at promosyon, at pagpapaunlad ng kabuhayan habang pinangangalagaan ang likas na yaman.Iminumungkahi
Fields of Study & Subjects
Travel Writing and Literature
Urbanism
Landscape
and Tourism Studies
Community-based Tourism Development and Sustainability
Publication details
- Journal / source
- International Journal of Research Studies in Education
- Volume
- 15
- Issue
- 4
- Publication date
- 1 March 2026