Analisis sa mungkahing glosaryo ng mga terminolohiyang ginamit sa Transport Network Vehicle Service
Abstract
Layunin: Nilalayon ng pag-aaral na ito na suriin at suriin ang mungkahing glosaryo (glossary) ng mga terminolohiyang ginagamit sa Transport Network Vehicle Service (TNVS) upang matukoy ang antas ng katanggapan at gamit ng mga ito, at upang makatulong sa patuloy na intelektuwalisasyon (intellectualization of language) ng wikang Filipino sa larangan ng teknolohiya at transportasyon.Metodolohiya: Gumamit ang pananaliksik ng deskriptibong kwalitatibong disenyo na nakatuon sa pagsusuri ng mga tekstuwal na sanggunian at opisyal na dokumento mula sa iba't ibang TNVS platform.Isinailalim ang mga nakalap na terminolohiya sa pagsusuri gamit ang Tagalog Database Corpus Tool (TDC Corpus Tool) upang maberipika ang dalas ng paggamit, konteksto, at antas ng katanggapan (acceptability) ng mga termino sa wikang Filipino.Natuklasan: Ipinakita ng mga resulta na ang TNVS ay gumagamit ng mga terminolohiyang teknikal na malaki ang impluwensiya ng teknolohiya at digital platform economy.Natuklasan din ang pagkakaiba-iba sa pag-unawa at paggamit ng mga terminolohiyang ito sa hanay ng mga drayber, pasahero, at regulator, na nagiging sanhi ng kalituhan sa komunikasyon at implementasyon ng mga patakaran.Ang nabuong mungkahing glosaryo ay nakatulong sa paglilinaw ng mga konseptong kaugnay ng TNVS at sa pagpapabuti ng pagkakaunawaan sa industriya.Konklusyon: Ipinakikita ng pag-aaral na ang pagbuo ng isang sistematiko at kontekstuwalisadong glosaryo ng TNVS ay mahalagang hakbang sa pagpapalakas ng komunikasyon, regulasyon, at serbisyo sa sektor ng transportasyon.Nagbibigay ito ng ambag sa akademikong diskurso sa leksikograpiya at nagsisilbing praktikal na sanggunian para sa mga developer, policy maker, at gumagamit ng TNVS sa Pilipinas. Susing Salita: glosaryo
Fields of Study & Subjects
linguistics and terminology studies
Lexicography and Language Studies
Linguistics
Language Diversity
and Identity
Publication details
- Journal / source
- International Journal of Open-access Interdisciplinary and New Educational Discoveries of ETCOR Educational Research Center (iJOINED ETCOR)
- Publication date
- 16 January 2026