Saling Etnolingguwistikong Akda ng mga Aeta sa Bayan Ng Capas, Tarlac

Read full text
Authors: Jessica Marie Dela Pena
Cited by: 0
References: 13

Abstract

Ang panitikan ay salamin ng isang kultura sa isang bayan, matibay na moog sa preserbasyon at sa pagpapahalaga sa bawat tradisyon at kaugalian ng isang mamayan sa kaniyang pagkakakilanlan. Ito ang layunin ng pag-aaral ang masinop, maisalin at magpatuloy ang mga akdang pampanitikan ng mga Katutubong Aeta sa bayan ng Capas, Tarlac. Ang saklaw na akda sa pag-aaral ay ang mga kuwentong bayan, alamat, at awitin ng mga katutubo na pawang nakasulat sa Filipino at ang diyalektong Kapampangan ang siyang naging lunsaran sa pagsasalin ng mga akda ng mga Katutubong Aeta sa bayan ng Capas, Tarlac. Ginamit ang meaning-based translation ni Larrson sa teoretikal na pagtanaw ng salin. Nagtamo ito ng 4.9 mean na may lubos na balidong salin sa leksikal at gramatika ng ortograpiyang Kapampangan. Tinipon ang mga ito sa isang magasin “Istorya Keta Capas, Tarlac” at natuklasan na nagtamo ito ng 4.8 kabuoang mean na may pinakamataas na katanggap-tanggap na antas at lubos na balido. Sa kabuoan, malaki ang pakinabang ng nabuong materyal sa pagkilala ng panitikang Aeta sa bayan ng Capas upang mapreserba, patuloy na makilala at mapahaglagahan ang mga kultura at tradisyon ng mga ito ating bansa.

Fields of Study & Subjects

Translation Studies and Practices Language and Culture Folklore Mythology and Literature Studies

Publication details

Journal / source
Graduate Education Association of Public Higher Education Institutions Research Journal
Volume
3
Issue
1
Publication date
19 February 2026
Language
TL