Pagpaplanong pangwika sa MSU-ISED: Ang papel ng wikang Meranaw sa edukasyon at kultura

Read full text
Authors: Ibrahim Pundato
Cited by: 0

Abstract

Sinusuri ng pag-aaral na ito ang pagpaplanong pangwika sa MSU–Institute of Science Education (MSU-ISED) at ang papel ng Wikang Meranaw sa edukasyon at kultura. Layunin nitong ilarawan ang kasalukuyang kalagayan ng Wikang Meranaw sa institusyon, tukuyin ang mga umiiral na polisiya at inisyatiba, ilahad ang mga hamon sa implementasyon ng pagpaplanong pangwika, at suriin ang ambag ng wika sa kultural na identidad ng mga mag-aaral. Gumamit ang pananaliksik ng diskriptibong panuring-palarawan at content analysis sa datos na nakalap mula sa survey, panayam, at pagsusuri ng mga dokumento. Ang mga respondente ay binubuo ng mga guro, mag-aaral, at administrador ng MSU-ISED na pinili sa pamamagitan ng purposive sampling. Ipinakita ng resulta na bagama’t kinikilala ang Wikang Meranaw bilang mahalagang bahagi ng akademikong at kultural na kapaligiran ng institusyon, nananatili ang mga hamon sa epektibong implementasyon nito dahil sa kakulangan ng malinaw na polisiya at sapat na mapagkukunan. Gayunpaman, napatunayan na mahalaga ang papel ng Wikang Meranaw sa pagpapalakas ng kultural na identidad at ugnayan ng komunidad ng paaralan. Inirerekomenda ng pag-aaral ang mas sistematikong integrasyon ng Wikang Meranaw sa mga programang akademiko, pagbuo ng tiyak na polisiya sa wika, at pagpapalakas ng mga kultural na gawain upang mapanatili at mapalaganap ang wika at panitikang Meranaw.

Fields of Study & Subjects

Multilingual Education and Policy Linguistic and Sociocultural Studies Language and Culture

Publication details

Journal / source
Pantao (International Journal of the Humanities and Social Sciences)
Volume
5
Issue
1
Publication date
1 January 2026
Language
TL