Epektibidad ng edukasyonal na bidyo bilang pantulong sa pagtuturo ng Araling Panlipunan 10
Abstract
Ang pag-aaral na ito ay naglalayong suriin ang epekto ng paggamit ng edukasyonal na bidyo sa akademikong pagganap ng mga mag-aaral sa Araling Panlipunan 10. Ginamit ang quasiexperimental design na may pre-test at post-test upang ihambing ang dalawang grupo: ang control group na sumailalim sa tradisyunal na pagtuturo at ang experimental group na ginamitan ng edukasyonal na bidyo bilang bahagi ng kanilang pag-aaral.Ipinakita ng resulta na parehong grupo ay nagpakita ng pag-unlad sa kanilang pagganap matapos ang isinagawang pagsusuri. Gayunpaman, mas kapansin-pansin ang naging pagtaas ng antas ng kaalaman sa mga mag-aaral na gumamit ng edukasyonal na bidyo kumpara sa mga sumailalim sa tradisyunal na pagtuturo. Bagaman may positibong epekto ang paggamit ng bidyo, natuklasan na walang malinaw na ebidensiya upang ipakita na ito ay mas epektibo kaysa sa tradisyunal na pamamaraan ng pagtuturo. Batay sa mga natuklasan, maaaring ipagpatuloy ang paggamit ng edukasyonal na bidyo bilang isang alternatibong estratehiya sa pagtuturo ng Araling Panlipunan. Gayunpaman, inirerekomenda ang mas malalim na pananaliksik na may mas malawak na saklaw at mas mahabang panahon ng implementasyon upang higit pang maunawaan ang epekto nito sa pagkatuto ng mga mag-aaral. Dagdag pa rito, maaaring pagaralan kung paano pagsasamahin ang tradisyunal na pamamaraan at edukasyonal na bidyo upang mapahusay ang kalidad ng pagtuturo.
Fields of Study & Subjects
Educational Technology and E-Learning
Visual and Cognitive Learning Processes
Education and Technology Integration
Publication details
- Journal / source
- Pantao (International Journal of the Humanities and Social Sciences)
- Volume
- 5
- Issue
- 1
- Publication date
- 10 February 2026
- Language
- TL