Moralistikong pagsusuri sa mga piling kontemporaryong sanaysay: Isang pagpapahalaga

Read full text
Authors: Ibrahim Pundato
Cited by: 0

Abstract

Ang pag-aaral na ito, na may pamagat na Moralistikong Pagsusuri sa mga Piling Kontemporaryong Sanaysay: Isang Pagpapahalaga, ay naglalayong suriin ang mga moral na pagpapahalaga na naipapahayag sa piling kontemporaryong sanaysay at tuklasin ang kabuluhan at implikasyon ng mga ito sa paghubog ng kakayahan ng manunulat, mambabasa, at lipunan. Ginamit ang Moralistikong Pananaw bilang teoryang batayan upang masuri ang epekto ng panitikan sa etika at pamumuhay ng tao. Isinagawa ang pag-aaral sa pamamagitan ng content analysis ng mga piling sanaysay mula sa mga kilalang manunulat: Ang Ina at Ang Martial Law at Pagninilay ni Almayrah Tiburon; Mga Pagsasanay sa Paggalugad ng Siyudad ni Eugene Y. Evasco; Doon po sa Amin sa Daang Bakal ni Rusell Irene L. Lagunsad; Ngunit Wala Akong Litrato Noong Nasa Kolehiyo Ako ni Reuel Molina Aguila; Overnight sa Sementeryo ni Beverly Siy; Dalawampu’t Apat na Oras ni Mubarak Tahir; at Patsi-patsing Danas sa Pangarap ni Al Joseph Lumen. Natukoy sa resulta ang iba't ibang moral na pagpapahalaga tulad ng katatagan, pagmamahal sa pamilya, pananampalataya, responsibilidad, malasakit sa kapwa, pag-asa, at pakikibaka para sa kabutihan. Ang mga moral na ito ay may malalim na kabuluhan sa paghubog ng kakayahan ng manunulat at mambabasa sa wastong pagpapasya, etikal na pamumuhay, at malikhaing pag-unawa sa lipunan. Bukod dito, ipinapakita ng mga akda ang implikasyon ng moral na aral sa mas malawak na lipunan, lalo na sa pagpapalaganap ng katarungan, pakikipagkapwa, at pagtangkilik sa kabutihan. Sa kabuuan, ipinapakita ng pag-aaral na ang moralistikong pananaw ay mahalaga sa pagsusuri ng kontemporaryong panitikan at nagsisilbing gabay sa pag-unawa ng tama at mabuti sa konteksto ng personal at kolektibong karanasan.

Fields of Study & Subjects

Ethics Aesthetics and Art Themes in Literature Analysis Philippine History and Culture

Publication details

Journal / source
Pantao (International Journal of the Humanities and Social Sciences)
Volume
5
Issue
1
Publication date
1 January 2026
Language
TL